Tsino at Pilipino
ESTOLONIO, ERIKA MAE G. 9 OLPH Impluwensiya ng mga Pilipino sa kulturang Tsino Sa tagal at lalim ng ugnayan ng mga Pilipino at mga Tsino ay nagkaroon sila ng impluwensiya sa isa’t-isa. Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga naimpluwensiya ng mga Tsino sa ating bansa. Ang pag-uusapan naman ngayon ay kung ano ang naging impulwensiya nating mga Pilipino sa kanilang mga Tsino. Matatandaang lubus-lubusang paghihirap din ang natamo ng mga Tsino sa kamay ng pamahalaang Kastila. Hinarap ng mga Tsino at mestisong Tsino hindi lamang ang iba’t ibang paghihigpit at hindi makatarungang pagsingil ng buwis, kung hindi pati narin ang iba’t ibang pang-aabuso. Sa maikling salita, bagama’t ang sentro ng pananakop ay ang mga katutubong Pilipino, damay rin ang mga Tsino sapagka’t dahil sa matagal na pamamalagi ng mga Tsino sa Pilipinas at dahil narin sa “tulong” ng mga Kastila, dumami narin ang mga mestisong Tsino, okupado nila ang malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas noong mga panahong...