Tsino at Pilipino

ESTOLONIO, ERIKA MAE G. 9 OLPH

Impluwensiya ng mga Pilipino sa kulturang Tsino

Sa tagal at lalim ng ugnayan ng mga Pilipino at mga Tsino ay nagkaroon sila ng impluwensiya sa isa’t-isa. Hindi lingid sa ating kaalaman ang mga naimpluwensiya ng mga Tsino sa ating bansa. Ang pag-uusapan naman ngayon ay kung ano ang naging impulwensiya nating mga Pilipino sa kanilang mga Tsino.

Matatandaang lubus-lubusang paghihirap din ang natamo ng mga Tsino sa kamay ng pamahalaang Kastila. Hinarap ng mga Tsino at mestisong Tsino hindi lamang ang iba’t ibang paghihigpit at hindi makatarungang pagsingil ng buwis, kung hindi pati narin ang iba’t ibang pang-aabuso. Sa maikling salita, bagama’t ang sentro ng pananakop ay ang mga katutubong Pilipino, damay rin ang mga Tsino sapagka’t  dahil sa matagal na pamamalagi ng mga Tsino sa Pilipinas at dahil narin sa “tulong” ng mga Kastila, dumami narin ang mga mestisong Tsino, okupado nila ang malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas noong mga panahong  iyon.

Ang kaunawaang ito, kasabay ng pagka-liberal ng mga Ilustrado dahil sa kanilang pagkakataong makapag-aral sa Europa, ang nagsilbing daan upang maging bahagi ng pagbuo ng nasyonalismong Pilipino ang mga Tsino at mestisong Tsino. Pinapahiwatig ng mga nabanggit na ang isang impluwensiya na angmulas sa mga Pilipino ay ang mga mestisong Tsinoy (Tsinong may dugong Pilipino).

Ilang halimbawa ng mga mestisong Tsinoy ay ang sumusunod:

Credit: Corbis via Getty Images/HistoricalText Box: Ang ating kinikilalang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal na siyang naging napaka-impluwensiyal sa buhay ng mga Pilipino. Sa sobrang pagkilala ni Rizal sa kaniyang pagiging Pilipino, binitawan niya ang mga salitang ito sa kanyang The First Filipino: “I do not agree.  This is unjust!  Here it says that I am a half-breed, and it isn’t true!  I am a pure Filipino!”

The GOMBURZA were executed February 17, 1872Text Box: Gomburza, ang tatlong mestisong Tsinong pari na sina sina Mariano Gomez, Jose Apolonio Burgos, at Jacinto Zamora. Dulot ng akusasiyon sa pagkasangkot nila sa Cavite mutiny, sila ay binitay gamit ang garote noong 1872. Ang pagkamatay nila ay nagsilbing inspirasyon sa maraming Pilipino upang ipaglaban ang kalayaan mula sa kamay ng mga Kastila, ito rin ang nagtulak kay Rizal na isulat ang El Filibusterismo.

Marami pang ibang mestisong Tsino na naging malaki ang kontribusyon sa nasyonalismo ngunit maliban sa kanila ay, mayroon ding mga purong Tsino na nakatulong sa pagbuo ng ideya ng nasyonalismo sa Pilipinas. Subalit hindi sila kilala, malaki ang naging kontribusiyon nila.

Ugnayan ng mga Tsino at Pilipino

Sa tagal ng pinagsmahan ng mga Pilipino at mga Tsino noong dating mga panahon ay nagkaroon sila ng malalim na kaugnayan sa isa’t-isa na hanggang ngayon ay hindi nalilimutan ng bawat mamamayan.00

·         Malaki ang impluwensya ng mga tsino paano makipag ugnayan sa kanila ang mga sinaunang pilipino sa pamamagitan ng​ pakikipagkalakalan.

·         Matatandaan na isa sa mga sinabi ng pangulo ng ating bansa na si President Rodrigo Roa Duterte noong nagdaang Chinese New Year ay ang selebrasyon ng Chinese-Filipino Community ay patuloy na matatatag at hindi na kayang putulin ang relasyon ng Pilipinas sa China. Ayon sa pangulo, maituturing ang pagdirawang na nabanggit na isang bagong simula at pag-asa para sa pag-unlad ng ating bansa. Idinagdag din ng pangulo na ang pagtanggap at pagyakap nating mga Pilipino sa pagdiring ng Chinese New Year ay patunay na metatag ang ugnayan ng Pilipinas at China na pinapatatag ng panahon.

·         Pinagtibay ng Pilipinas at China ang diplomatikong ugnayan sa kabila ng umigting na tensyon sa West Philippine Sea at South China Sea. Alam nating lahat na Mas dikit ngayon ang Pilipinas at Tsina sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte. Pero sa kabila ng magandang relasyon ng dalawang bansa, patuloy lang ang Tsina sa pagpapalakas ng puwersa at pasilidad nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

·         Marami rin sa ating mga Pilipino ang tumatangkilik sa mga produkto ng Tsina. Ito ay bunga ng matibay na ugnayan ng ating bansa sa kanila. Maraming lugar dito sa atin na nagbebenta ng mga produkto galling sa Tsina.

·         Dahil sa ating ugnayan, naimpluwensiyahan din nila tayo pagdating sa pagkain. Ang mga pagkaing tulad ng siopao, mami, pansit, tikoy, lumpia, at marami pang iba na madals makikita sa mga handaan ay mga impluwensiya ng Tsino.

·         Resulta ng matibay nating ugnayan, marami sa ating mga kinagisnan at kultura ay may bahid ng  mga kaugalian ng mga Tsino.

Dugong Tsino, Pusong Pilipino

Si Bao, isa sa mga anak ng kaibigan ng aking ina ay isang Tsinoy (Tsinong Pilipino). Siya ay ipinanganak sa Macau ngunit noong siya ay tumuntong sa siyam na taong gulang ay dinala siya nga kaniyang ina dito sa Pilipinas upang dito na ituloy ang kaniyang pag-aaral at dito na tuluyang mamalagi. Hindi kami masyadong nagkikita ni Bao dahil sa Luzon siya nakatira, sobrang layo ng agwat ng lugar naming dalawa. Ang kaniyang ina ay nagmula sa Bicol at ang kaniyang ama naman ay isang Tsino na may maunlad na negosyo hindi lamang sa China, kundi pati na rin sa iba pang mga bansa. Si Bao ay matanda saakin ng tatlong taon. Nang minsan kaming makapag-usap noong ilang buwan pa lamang ang nakalipas ng pagdating niya ng Pilipinas, sinabi niya sa akin kung gaano kahirap makihalubilo at sanayin ang kaniyang sarili sa lugar na hindi niya kinagisnan. Nabanggit niya rin sa akin na marami naman siyang naging kaibigan ngunit iba daw ang pakiramdam ng siya ay nasa China pa. Ang kaniyang pangungulila sa China ay hindi naman nagtagal ng mahabang panahon. Paunti-unti ay nasasanay siya at natututunan niya kung ano talaga ang Pilipinas dahil sa tulong ng kaniyang mga kaibigan, kaklase, at ng kanyang magulang. Pinasyalan niya ang napakaraming mga magagandang destinasyon sa Pilipinas at nakita niya ang tunay na ganda nito. Sabi niya pa nga ay itong Pilipinas ang pinakamagandang bansa na napuntahan niya. Hindi lamang ang mga lugar dito ang kaniyang nagustuhan kundi pati na rin ang mga tao dito dahil kahit minsan, hindi niya naramdaman na iba siya, tumatak ito sa kaniyang isipan at sa kaniyang puso kung kaya’t masasabi nating may dugo man siya ng Tsino, siya ay isa paring buong Pilipino na tulad nating lahat, nagmamahal sa bansa. Bago lang siya nakauwi sa Quezon City dahil nang nagkaroon ng pandemya ay nasa Cebu siya kasama ang kaniyang pamilya upang magbakasyon, hindi nila inasahan ang pagpapatigil ng mga byahe at mga eroplano noon kung kaya’t nanatili sila sa resort na kanilang tinutuluyan sa Cebu. Nang naging maluwag na ang pinapatupad ng gobyerno, roon palang sila nakauwi sa kanilang tahanan. Palagi kaming nag-uusap sa pamamagitan ng tawag o text, at sinabi niya saakin na sana matapos na ang pandemyang ito dahil maraming tao ang naapektuhan at dagdag niya pa na tulad ng ibig sabihin ng kaniyang pangalan, ang mga tao ang tunay na “kayamanan” na ating bansa.

  

Comments